Timbog ang isang lalaki matapos niyang halayin umano ang isang menor de edad na may hearing disability sa Bulacan.

Sa ulat ni John Consulta sa Saksi, kinilala ang suspek na si Mark Jethro Tabella, na natunton sa pinagtataguan niya sa Pangasinan sa tulong ng isang impormante.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ariel Narboada, hepe ng San Jose del Monte Police, sinama ang biktima ng kaniyang kaibigan sa suspek, ngunit humantong ito sa panghahalay umano.

Kabilang sa ebidensiya ang medical examination ng biktima.

Itinanggi ni Tabella ang paratang, at sinabi ring hindi siya nagtatago. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News