Nasawi ang isang limang taong gulang na lalaki matapos siyang pukpukin ng bote ng soft drinks sa ulo at suntukin pa sa mata ng kaniyang amain sa San Pedro, Laguna.

Sa ulat ng State of the Nation, sinabing naidala pa sa ospital ang bata ngunit nasawi rin.

Isinalaysay ng ina ng biktima na naiwan umano sa suspek ang bata matapos siyang umalis para kumuha ng tulong pinansiyal para sa pagpapagamot sa anak na may sakit noon.

Patuloy na tinutugis ang salarin. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News