Huli sa CCTV ang panghoholdap ng anim na armadong lalaki sa isang kainan sa Imus, Cavite, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Tinutukan ng baril ng mga suspek ang ilang kumakain at kinuha ang pera, cellphone, bag at ilang mahahalagang gamit ng walong biktima.

Nakasuot ng helmet ang ilan sa mga salarin, na tumakas sakay ng tatlong motorsiklo.

Patuloy na tinutugis ng Imus Police ang mga salarin. —KBK, GMA Integrated News