Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos niyang ilang beses na halayin umano ang isang menor de edad sa isang inuman sa Liliw, Laguna.
Sa ulat ni John Consulta sa Saksi, mapapanood ang pagdakip ng Philippine National Police kay alyas “Mark,” na wanted sa statutory rape.
Isa si alyas Mark sa most wanted ng Police Regional Office 4-A at palipat-lipat ng lugar kaya hindi naging madali ang paghuli sa kaniya. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News