Ipinakita ng Bulkang Mayon ang ganda nito matapos itong makunan na tila may suot na salakot sa Albay.
Ilan sa mga larawan ay kinunan ni Djorhiz Ruel Bartolome ng Guinobatan, Albay, na makikita rin sa Unang Balita nitong Miyerkoles.
Ayon kay Bartolome, isang photographer, unang beses niyang nakita na ganito kaganda ang Bulkang Mayon.
Sinabi ng PAGASA na lenticular clouds ang tawag sa malaplatong ulap na nakapalibot sa bulkan, na madalas nabubuo sa mga mountainous areas tulad ng Mayon.
Maaari ring nakahalo sa ulap ang abo na inilalabas ng bulkan kaya naging mas visible ito. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News