Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong mangingisda na sakay ng tumaob na fishing boat mula Jintotolo Island sa Masbate, ayon sa report sa Unang Balita netong Martes.
Tumagal ng mahigit dalawang oras ang rescue operations ng Philippine Coast Guard.
Ayon sa PCG, pumalaot ang pitong mangingisda nung isang linggo pabalik Estancia, Iloilo ng salabungin sila ng malakas na hangin at matataas na alon.
Iniimbestigahan ng PCG kung may paglabag ba ang mga mangingisda dahil pumalaot sila sa kabila ng nakataas na gale warning.
Naabutan din silang walang life jacket. —VAL, GMA Integrated News