Nasawi ang isang apat na taong gulang na babae nang madaganan siya ng nabuwal na puno ng mangga sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Egay sa Bataraza, Palawan.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing nasa loob ng bahay ang bata nang mangyari ang insidente sa Barangay Sandoval.

Nakaligtas naman ang buntis na ina ng bata na kasama niya sa bahay.

Nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad sa mga apektado ng baha sa Puerto Princesa.

Inilikas ang mahigit 500 pamilya mula sa 15 barangay simula Martes.

Ipinatutupad sa ngayon ang no sail zone sa mga karagatang sakop ng buong Palawan. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News