Ikinagulat ng isang babaeng pasahero na nawala ang kaniyang cellphone matapos itong ma-snatch hindi ng tao kundi ng isda habang nasa bangka sa San Isidro, Leyte.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Balitanghali nitong Huwebes, mapapanood sa isang video na nagpapakuha ng larawan ang mga pasahero, nang may lumitaw na isda sa kanilang harapan at tila sinipa ang cellphone kaya nahulog ito sa dagat.

Naibalik sa may-ari ang cellphone noong mag-low tide at mapulot ito ng mangingisda. Gayunman, hindi na ito magagamit dahil sira na.

Hindi naman nasaktan ng isda ang may-ari. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News