Isang bangkay ng babae ang nakita sa loob ng karton na iniwan sa gilid ng kalsada sa Cebu City.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing hinihinala ng mga awtoridad na biktima ng salvage ang babae.

Ayon sa pulisya, isang naglilinis ng kalsada ang nakakita sa karton na may bahid ng dugo.

Ipinagbigay-alam niya ito sa mga awtoridad at nang buksan ang karton, tumambad na ang bangkay ng biktima.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa hanggang 5'3" ang taas, medium build ang katawan, at may tattoo sa kaliwang kamay.--FRJ, GMA Integrated News