Kalunos-lunos ang sinapit ng isang bata na tatlong-taong-gulang na nagtamo ng matinding lapnos sa katawan matapos mahulog sa lutuan ng uling sa Magpet, Cotabato. Dahil sa tinamo, kinailangan pang putulin ang kanan niyang binti.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabi ng tiyahin ng biktima na abala ang mga magulang ng bata sa pag-u-uling nang mangyari ang insidente sa Barangay Manobo.

Halos kalahati ng katawan ng biktima ang nalapnos.

Malayo rin sa ospital ang lugar ng pamilya kaya inabot pa ng isang oras bago nasuri ng duktor ang bata sa Kidapawan City.

Umaapela ng tulong ang mga magulang ng bata para maipagamot ang kanilang anak. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News