Bukod sa mga matatamis nilang “I do,” nagpatagalan din sa kanilang paghalik ang ilang bagong kasal sa isang mass wedding sa Catanauan, Quezon.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ng konsehal ng Catanauan na inabot ng mahigit tatlong minuto ang pinakamatagal na halik.

Hindi naman binanggit kung sino ang nagwaging couple, pero nagbigay ang LGU ng perang pandagdag sa kanilang panimula bilang mag-asawa.

Mahigit 30 couples ang sabay-sabay na nagpalitan ng “I do,” habang nagsilbing mga ninong at ninang nila ang mga LGU official.

Tumulong na rin ang LGU sa pagproseso ng kanilang mga dokumento at nagbigay din ng libreng reception. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News