Patay ang isang sanggol na siyam na buwang gulang matapos na malunod umano sa balde na may tubig sa Cebu City.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Huwebes, sinabi ng ina ng bata na nakatulog siya sa sobrang pagod habang inaalagaan ang sanggol.

Paniwala nila ng kaniyang asawa, gumapang ang sanggol papunta sa balde na may  tubig.

Ang lola ng bata ang nakakita sa sanggol sa loob ng bande at patay na.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung aksidente ang nangyari.--FRJ, GMA Integrated News