Naging mainit ang balitaktakan ng isang kapitan at kaniyang kagawad na nauwi sa pisikalan sa ginanap na sesyon ng isang barangay sa Cagayan de Oro City.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nagsimula ang gulo nang punahin ni Kagawad Henry Dacer ng Barangay Puntod ang kanilang punong barangay na si Rexy Dinampay tungkol sa May 29 session na hindi raw sila hinintay.
Bagaman hindi naman daw late ang mga kagawad, itinigil daw ang nasabing sesyon. Doon na nagsimulang magkapisikalan ang dalawa.
Sinabi ni Dinampay na na-trigger ang kaniyang kagawad nang may umaat sa kaniya. Pero dependa ng kagawad, unang sumuntok ang kapitan.
Nakarating na sa Blue Ribbon and Ethics committee ng City Council ng Cagayan De Oro ang nangyaring insidente.
Pinayuhan umano ang dalawa na ayusin ang kanilang alitan.--FRJ, GMA Integrated News