Aabot sa 500 pasahero kada araw ang tinatayang maaapektuhan ng nalalapit na tigil-operasyon ng isang bahagi ng Philippine National Railways upang bigyang-daan sa konstruksyon ng North South Commuter Railway (NSCR) project.
Sa ulat ni Joseph Morong sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing inanunsyo na ng Department of Transportation (DOTr) ang pansamantalang pagtigil ng operasyon ng linya ng PNR mula sa Calamba, Laguna hanggang sa Alabang sa Muntilupa simula July 2.
Pagbibigyan-daan ng tigil-operasyon ng section ng PNR ang konstruksyon ng NSCR na nakikitang makaaapekto sa aabot sa 500 daily o 13,000 sa isang buwan na commuters na gumagamit sa linya.
"So, sa July 2, stop operation na mula Alabang to Calamba sapagkat magsisimuila na ang phasing natin at pagbabaklas ng mga riles...," pahayag ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez.
Inaasahan ang partial operability ng NSCR project sa taong 2027.
Kapag magawa ito ay magkakaroon na ng direktang istasyon Mala sa Calamba sa Laguna hanggang sa Clark sa Pamgpanga. —LBG, GMA Integrated News