Arestado ang isang lalaking isa sa mga most wanted sa San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan dahil sa dalawang bilang ng statutory rape.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing hinainan ng arrest warrant ang suspek na hindi naman umano pumalag, at hindi rin nagbigay ng pahayag.
Dinala siya sa SJDM Police Station para iproseso, ayon sa ulat. —LBG, GMA Integrated News