Kung ang ilang deboto ay magpapapako sa krus at ang iba ay mag-Alay Lakad, ilang mga grupo naman sa Pampanga ang tumakbo at nagbisikleta para bisitahin ang mga simbahan at magdasal sa Stations of the Cross.
“Sacrifice run siya and at the same time Visita Iglesia. Unlike the old ways na nagpepenitensiya sila by way of hurting themselves. In this way we can promote health na rin,” paliwanag ng organizer na si Rodney Gonzales sa ulat ni CJ Torrida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa 24 Oras.
Ang isang grupo naman, nagbisikleta para ikutin ang mga simbahan sa lalawigan.
“Every year panata namin ito,” sabi ni Calvin Patiag, isang siklista.
Magbibisikleta rin ang mahigit 100 pulis ng Regional Mobile Force Battalion 3 at Pampanga Police Provincial Office.
“Ito po ay para makita rin natin ang faith natin. Kasama na rin po ‘yung pag-provide po ng security assistance po and public safety services,” sabi ni Police Colonel Marites Salvadora, hepe ng Regional Community and Development Affairs ng Police Regional Office 3.
“Our penitence must always be two-fold. To increase our gratitude for God, to make us aware that many times we fail. If it helps you become more thankful for God’s many graces, if it helps you to be more sorry for your sins then do it,” sabi ni Rev. Father Benjamin Espiritu III, Parochial Vicar ng Immaculate Conception Parish. —LBG, GMA Integrated News