Nalunod ang dalawang estudyane habang naliligo sa ilog sa isang national park sa Nueva Ecija.

Iniulat ni Vonne Aquino sa Unang Balita nitong Huwebes na nangyari ang insidente sa ilog sa Minalungao National Park sa bayan ng general Tinio.

Nagkayayan umano ang isang grupo ng kabataan na maligo sa ilog upang maibsan ang init na dala ng tag-init.

Habang naliligo, tinangay umano ang dalawa sa kanila ng malakas na agos ng tubig papunta sa malalim na bahagi ng ilog.

Makalipas ang halos dalawang oras na paghahanap, patay na nang matagpuan ang dalawang Grade 10 students.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 2,348 ang bilang ng accidental drowning at submersion mula January hanggang September noong 2022. —LBG, GMA Integrated News