Nabalot ng andap o frost ang isang greenhouse sa Atok, Benguet, pero agad umano itong nalinis at hindi naapektuhan ang mga pananim na gulay.

Batay sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, sinabi sa Unang Balita nitong  Miyerkoles na nakitaan ng maninipis na yelo ang gutter ng naturang greenhouse.

Agad umanong nalinis ang andap at hindi nito naapektuhan ang mga pananim na repolyo at letsugas ng greenhouse.

Ayon sa vegetable farmers, inaasahan pa nila ang pagtama ng andap kasabay ng peak season ng Amihan ngayong unang quarter ng 2023. —LBG, GMA Integrated News