Kinatatakaman ngayon ang mga superworm na ginawang chicharon o "chichaworm" na bagong specialty sa Zamboanga City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes batay sa impormasyon mula sa GMA Regional TV One Mindanao, sinabing nauso muna ang pagkain ng naturang exotic food sa Bohol at Thailand.

Sinabi ng gumagawa ng chichaworms na mga dahon ng basil at letsugas ang ipinakakain sa superworms.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News