Ibinida sa parade of lights ang mga makukulay na Christmas floats na may Disney characters sa Sorsogon City.

Sa ulat sa GMA Regional TV nitong Miyerkoles, sinabing tila naging Disneyland ang kapitolyo ng siyudad dahil sa mga naggagandahang floats.

Makikita rito ang iba’t ibang Disney characters at iba pang mga paboritong hero characters ng mga bata, na mas lumitaw ang ganda dahil sa mga nakapaligid na ilaw.

Para sa provincial government, ang aktibidad ang magsisilbing regalo ngayong Pasko matapos ang pinagdaanan sa panahon ng pandemya.

Sa ngayon, bukas ang kapitolyo hindi lang sa mga taga-Sorsogon, ngunit pati rin sa mga bisita na nais makita ang ganda ng lugar.

“Ito para sa mga bata ng Sorsoganon na madama naman nila ang nangyayari sa ibang lugar. Actually, we pattern this event sa ibang bansa,” ani Sorsogon Governor Boboy Hamor.  —Mel Matthew Doctor/LBG, GMA Integrated News