Sa kulungan ang bagsak ng isang 76-anyos na senior citizen sa Tabogon, Cebu dahil sa ilegal umanong pagbibenta ng taklobo o giant clam shells na aabot sa P360 milyon ang halaga.
Sa ulat ni James Agustin sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing nasa 3,000 kilo ng taklobo ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Ipinagbabawal ang pagbebenta ng taklobo, na itinuturing endangered marine species at mahalaga sa pagpapanatili ng balanse ng ecosystem. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News