Bagong kasal na, instant milyonaryo pa ang isang couple matapos silang makatanggap ng aabot sa P1.8 milyong cash gifts sa Laurel, Batangas.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing natanggap nina Leziel at Julius Perea ang mga regalo mula sa kanilang mga bisita, kamag-anak, at mga ninong at ninang.

Binigay ng mga magulang ni Leziel ang pinakamalaking cash gift, pinag-ipunan mula sa negosyong palaisdaan.

Itinabi na ng bagong kasal ang pera sa bangko at gagamitin nila ito sa pagpapatayo ng negosyo at pagbubuo ng pamilya. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News