Hindi raw madaling maniwala sa mga himala. Pero ang isang propeta mula Tanjay, Negros Oriental may hatid raw na milagro dahil kaya nitong magpalakad muli ang mga paralisado at pilay?
Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,”, isinalaysay ni Joemarie Jaos alyas “Prophet Joh” kung paano siya nagsimula sa pagpapagaling ng mga paralitiko.
“Nagtatarabaho po tayo sa BJMP way back 2013, nu’ng pagkamatay ng ama ko, palagi akong nakakakita ng vision na ako daw ang nagpi-preach. Maraming tao na pumupunta sa akin. Doon nagsimula ang lahat,” saad ni Prophet Joh.
Nitong 2019, nag-anuyo raw si Prophet Joh sa loob ng 52 araw at doon na diumano nagsimula ang kakayahan niyang makapanggamot.
“Alam ko naman ‘yung fasting is grabe ka-powerful kasi ‘yung founder naming ‘yung sa first church ko, sabi niya sa akin ‘You’re anointed!,’” aniya pa.
Simula noon tinutukan na raw ni Prophet Joh ang kanilang ministry.
“Actually, dumadayo po tayo sa iba’t ibang lugar katulad ng Cebu, Bulacan. Wala talagang bayad,” dagdag pa niya.
Samantala, isa sa mga napagaling raw ni Prophet Joh ay si Jennifer Tobio.
Sa isang video, makikita si Jennifer na may mga bakal pa ang kanyang binti na nagsisilbing pang-suporta matapos siyang madisgrasya sa motor.
Dalawang lalaki pa nga ang bumuhat pati sa kanyang inuupuan.
Maya-maya pa, hinipo ni Prophet Joh ang mga binti nito at wala pang ilang segundo, naigalaw na niya agad ang mga ito at unti-unting siyang nakatayo at nakapaglakad.
Sa ngayon, malakas na at muli ng nakakapagtrabaho si Jennifer.
“Ito ‘yung mga bakal na ikinabit dati sa binti ko. Dalawang bali po ito, tapos ‘yung malaking buto ay nabasag. Dalawang bali po ito, tapos ‘yung malaking buto ay nabasag,” aniya pa.
“Sobrang laking tulong kasi kung doon sa doktor, hindi basta-basta. Ilang libo siguro mauubos,” dagdag pa nito.
Ngunit babala naman ni Dr. Charmaine Beleno na isang general medicine expert, “If naka-brace ang patient, we're keeping the bones stable. Kapag naglakad, maaaring ma-destabilize ‘yung bones ng patient and it may cause further damage.”
Samantala, umaasa naman si Jane Bilangdal na muling makakalad ang kanyang ina na mahigit isang taon nang paralisado.
“’Yung una kong napanood maraming naka-wheelchair tapos nakapaglakad ang iba. Baka sakaling ganyan din ang mama ko makapaglakad,” ani Jane.
Bukod sa kanyang ina, umaasa rin siyang mapapagaling ni Prophet Joh ang kanyang ama na nahihirapan makalakad dahil sa hika.
“Gumalang na po sila kasi ang hirap po kasi na kami lang dito. ‘Yung katawan ko nanghihina na parang gusto ko na pong mawala kaso paano ang po sila? Mama, huwag po kayong mawalan ng pag-asa,” emosyonal na pahayag ni Jane.
Makakalakad na kaya muli ang mga magulang ni Jane?
At ano naman kaya ang masasabi ng mga doktor at espesyalista ng medisina sa pagpapagaling umano ni Prophet Joh? Tunghayan ang buong kwento sa video ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.” —Mel Matthew Doctor/NB, GMA Integrated News