Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa P12.5 milyong halaga ng sari-saring ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa report ng GMA Rgional TV One North Central Luzon na iniulat sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ng BOC na nasabat ang mga kontrabando matapos dumaan sa X-ray inspection at profiling ng pantalan nitong Martes ang mga paketeng pinaglalagyan gn mga droga.
Kabilang sa mga kontrabando ang high-grade marijuana, ecstasy, at iba pang party drugs na nakasilid sa mga pakete ng pagkain at mga fish net.
Ibinigay na sa headquarters ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III ang mga kontrabando. —LBG, GMA Integrated News