Hindi lang sili ang namumula kundi pati mga mamimili matapos umabot na sa halos P500 ang presyo nito kada kilo sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Batay sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing aabot na sa P480 ang presyo ng kada kilo ng siling labuyo, habang P250 per kilo namang ang presyo ng siling haba.
Dahil dito tingi-tingi na lang ang pagbili ng mga mamimili.
Ayon sa mga nagtitinda, mataas na ang puhunan nila, at may iba na huminto na sa pagtitinda dahil sa napakataas na presyo.
Ayon sa city agricultural office, kulang sa supply dahil inaangkat ng mga gumagawa ng paputok ang malaking volume ng sili.
Nangangamba silang maaaring pumalo pa sa P700 presyo kada kilo ng sili sa mga susunod na araw. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated news