Dinadagsa ng mga kustomer ang extra-long banana cue na ibinebenta ng vendor na si Vangie Mardo sa Nasugbu, Batangas.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ang banana cue ni Aling Margie ay lima hanggang pito ang saging na nakatusok.
Patok umano sa mga kustomer ang extra-long banana cue dahil sa bukod sa masarap na, sulit na rin umano ang P25 kada stick. —LBG, GMA Integrated News