Pumatok sa Manaoag, Pangasinan ang kakaibang ice cream dahil hindi lang umano ito masarap, mabango pa.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing hindi prutas o gulay ang kakaibang sangkap ng ice cream, kundi ang bulaklak ng sampaguita.

Batay sa report ng GMA Regional TV One North Central Luzon na iniulat sa Unang Balita nitong Biyernes, 1995 pa sinimulan ni Delma Sampaga ang ice cream na may keso at ube flavor.

At dahil umano gusto niyang i-develop ang kanyang produkto, sinubukan niyang gumawa ng ice cream with sampaguita favor.

Ayon kay Delma, bukod sa masarap ang lasa, mabango pa ang Sampaguita Ice Cream niya. —LBG, GMA Integrated News