Aabot sa P7 milyon halaga ng cocaine ang nakitang palutang-lutang sa karagatan ng Palawan.

Iniulat ni Jamie Santos sa Unang Balita nitong Huwebes na nakitang palutang-lutang sa dagat ng Rizal, Palawan ang isang puting package na kalauna'y napag-alamang cocaine ang laman.

Tinatayang aabot sa P7 milyon ang halaga ng cocaine na laman ng package.

Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang pinagmulan gn droga, ayon sa ulat. —LBG, GMA Integrated News