Pugot na nang matagpuan ang isang lalaki sa isang barangay sa bayan ng Talisayan, Misamis Oriental.
Batay sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, sinabi sa report ng Unang Balita nitong Biyernes na huling nakita na buhay pa ang biktima na isang construction worker sa isang bar kasama ang kanyang kaibigan.
Itinuturing na suspek sa krimen ang kanyang kasama sa bar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nag-iinuman umano ang dalawa nang magkaalitan dahil sa kanilang sahod.
Umuwi daw ang suspek sa kanyang bahay at kumuha ng itak at pumunta sa bahay ng biktima at doon na umano ginawa ang krimen.
Kasong murder ang kakaharapin ng suspek na patuloy pang pinaghahanap. —LBG, GMA News