Patay ang isang dalawang-taon gulang na bata sa Sipalay, Negros Occidental, matapos malunod sa isang malaking baldeng puno ng tubig, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes mula sa GMA Regional TV One Western Visayas.

Batay sa kuwento ng rescue unit, kasama ng batang babae ang kaniyang tatay at kapatid. Umiyak daw ang kapatid ng bata kaya nilibang ito ng kanilang tatay.

Posible raw na hindi namalayan ng tatay na umakyat ang biktima sa upuan at aksidenteng mahulog sa balde.

Dead on arrival nang dalhin sa pagamutan ang bata.   —KBK, GMA News