Matagumpay na natapos ang fluvial procession ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City, Camarines Sur nitong Sabado sa kabila ng kaunting aberya.
Bilang isang religious tradition, idinadaos ang fluvial procession upang ihatid pabalik sa Basilica ang imahe ng Our Lady of Peñafrancia at Divino Rostro mula sa Metropolitan Cathedral.
Nagkaroon ng aberya sa ilalim ng Magsaysay Bridge matapos bumangga sa pundasyon ng tulay ang isang bangkang humihila sa pagoda.
Nagtalunan sa tubig ang mga mananagwan.
Naantala ang fluvial procession matapos sumayad sa lupa ang pagoda sa bahagi pa rin ng Magsaysay Bridge.
Dahil sa sobrang bigat ng pagoda ay nagbawas ito ng mga sakay upang makausad.
Sa kabuuan ay naging matagumpay at payapa ang ginawang fluvial procession. —LBG/KG, GMA News