Nagnegatibo sa e-coli at total coliform test ang tubig sa Davao City Water District base sa resulta ng pag-aaral sa water sample.
Ayon sa report ng Super Radyo Davao na iniulat din sa Unang Balita, supply ng tubig ang isa sa mga tinitingnang sanhi ng diarrhea outbreak doon.
Samantala, tinitingnan ding posibleng sanhi ang ilang street food na kinain ng mga tinamaan ng diarrhea bago sumakit ang kanilang tiyan.
Nangolekta na umano ang city health office ng sample ng street food.
Sa ulat naman ng GMA Regional TV One Mindanao, umabot na sa 61 ang tinamaan ng diarrhea sa Toril District na naunang nagdeklara ng diarrhea outbreak sa lugar. —LBG, GMA News