Isang bahay ang ng rumaragasang baha sa ilog sa bayan ng Ivisan sa Capiz matapos gumuho ang lupang kinatitirikan nito.
Nagsagawa din ng force evacuation ang mga awtoridad sa ilang pang mga residente sa tabing-ilog.
Iniulat ni Corinne Catibayan sa Unang balita na pitong residente ang sapilitang inilikas dahil sa biglang paglakas ng agus ng tubig sa ilog matapos ang malalakas na pag-ulan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Ivisan, isang bahay ang tinangay ng baha at dalawang bahay ang partially damaged.
Wala na mang nasaktan sa insidente.
Abiso ng mga awtoridad sa mga residente, maging alerto kapag lumalambot ang lupa kapag tuloy-tuloy ang malalakas na ulan.
Samantala, sa Labo, Camarines Norte, nagulantang ang mga residenteng naliligo sa ilog nang biglang rumagasa ang tubig, at nagmamadi silang umahon.
Halos abutin narin ng tubig ang maliit na tulay kaya nagtali ng lubid ang mga rumespondeng opisyal ng barangay para may mahawakan ang mga tumatawid ng ilog.
Posible umanong nagka-flash flood sa itaas ng bahagi ng lugar kaya rumagasa ang tubigbaha pababa.
Wala umanong nasaktan sa pangyayari. —LBG, GMA News