Ipinag-utos ng pamahalaang panlalawigan ng Aklan na hindi na kailangang magpakita ng QR code ang mga uuwi at bibisita sa kanilang probinsiya.
Ito ang nakasaad sa inilabas na executive order ng gobernador ng Aklan na si Joeben Miraflores, ayon sa ulat ng RGMA Aklan sa Unang Balita nitong Miyerkoles.
Ipinatupad ang pagluluwag matapos mapanatili ng probinsya ang mababang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19 ng mahigit isang taon.
Gayunman, kailangan pa ring magpakita ng QR code, na ma-a-access online sa AkQuiRe (Aklan Quick Response For Tracing & Monitoring) system, ang mga pupunta ng isla ng Boracay.
Tinitiyak naman ng pamahalaan ng Boracay na magiging mas madali ang pagproseso ng requirements. —Jamil Santos/VBL, GMA News