Sinagip ang isang lalaki na naghuhukay para sa ikakabit na water pump matapos siyang mahulog sa kaniyang kinatatayuan at matabunan ng lupa sa Malinao, Albay.

Sa ulat ng "24 Oras Weekend" nitong Sabado, lumabas sa imbestigasyon na naghuhukay ang biktima para sa ikakabit na jetmatic pump.

Gayunman, gumuho ang kinatatayuan ng biktima, hanggang sa tuluyang siyang mahulog sa hukay.

Naging mahirap naman ang pagsagip dahil malambot ang lupa, kaya gumamit ng tali ang rescuers para mahila ang lalaki.

Umabot ng dalawang oras ang pagligtas sa biktima, na maayos na ang kalagayan sa kasalukuyan. —Jamil Santos/VBL, GMA News