Pinoproblema sa ngayon ng mga magsasaka sa Tarlac City ang pamimeste ng golden kuhol sa kanilang mga palayan.
Araw-araw umano ang pagmo-monitor ng mga magsasaka sa kanilang sakahan dahil sa pamimeste ng golden kuhol sa kanilang mga pananim.
Sa ulat ng Unang Balita, sinabing upang maisalba ang natitira sa mga pananim, tinanggal umano ng mga magsasaka ang tubig sa sakahan.
Batay sa monitoring ng city agriculture office, nasa 30 hanggang 40 porsyento na ng mga sakahan ang apektado ng golden kuhol. —LBG, GMA News