DOLORES, Quezon —Aabot na sa 3000 namamanata ang dumating sa bayan ng Dolores ngayong Biyernes Santo.

Karamihan sa kanila ay noong Miyerkules pa damuting sa mga lugar ng naturang bayan na itinuturing na sagrado.

Nasa paanan ng milagrosong bundok ng Banahaw ang bayan ng Dolores.

Photos by Peewee Bacuño
Photos by Peewee Bacuño

Kabilang sa mga namamanata ay naggaling pa sa Bicol, Maynila, at mga lalawigan ng Laguna, Rizal, Batangas, at Cavite.

Naglagay na lang sila ng tent na matutulugan.

Kita sa kuha ng drone ang dami ng tila nagka-camping na mga namamata.

Mabenta rin sa lugar ang mga kwintas at medalyon na pininiwalaang may agimat.

 

Patuloy naman ang pagbabantay ng mga pulis at kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Dolores. —LBG, GMA News