Sugatan ang 16 na sakay ng isang pampasaherong jeep matapos itong mahulog sa bangin na may lalim na aabot sa 100 metro sa Old Zigzag Road, Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon.

Nangyari ang aksidende dakong alas-tres ng madaling araw nitong Miyerkules.

Photos courtesy of Pagbilao MPS
Photos courtesy of Pagbilao MPS

Ayon kay Pol Col Joel Villanueva, director ng Quezon Police Provincial Office, galing sa isang kasalan sa San Jose, Camarines Sur ang mga pasahero ng jeep at pabalik na sana sa Dasmariñas, Cavite.

Nawalan ng preno ang jeep hanggang sa bumangga ito sa barrier at tuluyang bumulusok sa bangin.

 


Naging pahirapan ang isinagawang rescue operation dahil bukod sa mataas ay madilim at masukal rin sa lugar.

Lahat ng biktima ay isinugod sa Quezon Medical Center sa Lucena City kabilang na ang driver ng jeep na si Ronnel Francia. Karamihan sa mga sugatan ay nagtamo ng head injury at bone fracture.

Pangalan ng ilan sa mga sugatan sa aksidente sa Pagbilao batay sa poisyal na tala ng PNP Region 4-A:

  • Benz Jomar Fuentes, 23
  • John Cedric Gardon, 15
  • Gina Lozano, 52
  • Sharmaine Corino, 26
  • Noli Francia, 18
  • Beah Grace Camacho, 10
  • Anabel Camacho
  • Jose Camacho
  • Cherry Samson
  • Solen Samson
  • Analyn Arnejo
  • Ronel Francia, 28 - Driver

Walang naiulat na nasawi sa mga biktima.  —LBG, GMA News