Isang menor de edad ang kabilang sa dalawang naaresto dahil umano sa paglabag sa election gun ban, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules.

Nahuli ang dalawang may dalang baril at bala sa magkahiwalay na pagpapatrolya ng pulis sa Makati at Las Piñas nitong Martes ng gabi.

Kapwa walang naipakitang gun ban exception ang dalawang naaresto.

Dinala sa Women and Children Protection Center ang menor de edad habang nakakulong naman ang isa pang suspek na kinilalang si Glaidee Felisilda.

Iiral ang gun ban hanggang June 8, 2022 o katapusan ng election period. —KBK, GMA News