Nabalot ng andap o frost ang ilang pananim na gulay sa Benguet, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Biyernes.
Ayon sa ilang magsasaka, maagang nangyari ang frost na karaniwang dumarating lamang kapag peak ng amihan kung kailan nakapagtatala ng mababang temperatura.
Karaniwang mga buwan ng Enero o Pebrero ang peak ng amihan o northeast monsoon.
Wala pa namang naitatalang pinsala sa mga gulay dahil sa andap. — Sherylin Untalan/VBL, GMA News