Agaw pansin ang isang musuleo sa Numancia, Aklan na pinalibutan ng mga makukulay na dekorasyong bulaklak.
Iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkules na tradisyon na umano ito ng pamilya Mantap bilang pag-alala sa namayapa nilang ina.
Gawa ng magkakapatid ang mga dekorasyong plastic flowers dahil hilig daw ito ng kanilang ina noong siya’y nabubuhay pa.
Kung hindi lang daw sila naapektuhan ng pandemya, marami pa sanang dekorasyon ang ilalagay nila sa musuleo. —Sherylin Untalan/LBG, GMA News