Laking gulat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)) na nagsasagawa ng Brigada Eskwela sa isang paaralan sa La Union nang may makita silang malaking sawa.
Dahil dito, sinabi sa ulat ni Russel Simorio sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Miyerkules, na napasabak ang mga tauhan ng PCG sa paghahanap para mahuli ang sawa na may habang 10 talampakan.
Sa cellphone video, mapapanood na nagtulong-tulong ang mga tauhan ng PCG para mahuli ang sawa na una nilang nakita na umaali-aligid sa isang paaralan sa San Fernando City.
Buhay naman na nahuli ang sawa na inilagay nila sa sako at ibinigay sa DENR-Regional Office 1.--FRJ, GMA News