Natagpuang patay ang isang mag-asawa sa loob ng nakaparadang sasakyan sa San Fernando, Cebu.

Ayon sa isang ulat sa "24 Oras Weekend" nitong Linggo, nakilala ang mga biktima na sina Gavino Sanchez, isang negosyante; at Arlene Sanchez, isang guro.

Natagpuan ang bangkay ng dalawa matapos mapansin ng ilang residente ang umaalingasaw na amoy galing sa sasakyan. Nang siyasatin, nakita ang patay na mag-asawa.

Ayon sa pulisya, may saksing nakarinig ng putok ng baril bago natagpuan ang mga bangkay.

Blangko pa ang pamilya ng mga biktima kung sino ang pumatay pero may hawak na silang CCTV footage na posibleng makatulong sa imbestigasyon. — Ma. Angelica Garcia/BM, GMA News