Patay ang isang lalaki sa San Rafael, Bulacan, matapos umanong mang-hostage ng isang 5-anyos na bata, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Batay sa police report, bigla na lang pinasok ng suspek na armado ng baril ang isang bahay at tinutukan ang bata, dahilan para humingi ng tulong sa pulis ang mga magulang nito.

Sinubukan ng mga pulis na kausapin ang suspek pero naging bayolente umano ito.

Napilitang gumanti ng mga otoridad ng magpaputok ang suspek. Dito siya napatay.

Nakuha mula sa suspek ang isang baril at pakete ng hinihinalang shabu.

Ligtas naman ang bata na sasailalim sa post-traumatic debriefing kasama ang kaniyang mga magulang. —KBK, GMA News