Naging usap-usapan online ang isang resort sa Samal Island matapos na pagbawalan umano ang isang babaeng transgender na gamitin ang ladies' room para makapag-shower. Tinanong pa raw ang transwoman kung pambabae ang kaniyang ari.
Sa ulat ni Jandi Esteban sa GMA Regional TV-One Mindanao, sinabing ikinasama ng loob ni Shannon Gonzaga ang pagtatanong sa kaniya ng isa sa mga staff ng Isla Reta Resort kung mayroon daw ba siyang ari ng isang babae.
"The approach for me was really wrong, already offensive. I only wanted a shower," sabi ni Gonzaga sa Cebuano.
Pero ayon sa resort owner na si Mario Reta, pinoprotektahan lamang ng management ang mga panauhin nilang babae.
"We strictly implement that no transgender will be allowed inside ladies' room. We only have two CRs, for male and for female," saad ni Reta.
"We're protecting women more than gays. If a man rapes a woman, she could get pregnant. Nothing will happen if a man rapes a gay person," sabi pa ni Reta.
Sinabi ng gay rights advocate na si Norman Baloro na ang nangyari kay Gonzaga ay isang malinaw na kaso ng "gender discrimination."
"Why would they keep a person from using the CR based on how she feels and regards herself?" saad ni Baloro.
Nitong Miyerkoles, inanunsyo ng Isla Reta sa isang Facebook post na hindi na nito tatanggapin ang mga transgender sa resort.
Sa naturang post din, sinabi ng management na wala itong facility para sa mga transgender.
"We only have man and women's comfort rooms. There is still no law for a CR for transgender persons," sabi ni Reta.--Jamil Santos/FRJ, GMA News