Isang lalaki ang binaril at itinapon sa tulay sa Sogod, Southern Leyte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Hindi na makilala ang biktima dahil sa mukha raw ito pinagbabaril.

Itinapon ang biktima mula sa Agas-Agas Bridge na itinuturing na pinakamataas na tulay sa bansa.

Limang basyo ng bala ang nakuha sa lugar. --KBK, GMA News