KALIBO, Aklan - Nagsimula na ang pagbabakuna sa mga barangay health workers at mga empleyado ng Municipal Disaster Risks Reduction Management Office (MDRRMO) sa anim na bayan sa Aklan.

Ayon sa Provincial Health Office, nag umpisa na ang pagbakuna sa Kalibo, Buruanga, New Washington, Nabas, at Tangalan.

Sa bayan ng Kalibo, sinabi ni Mayor Emerson Lachica na aabot sa 107 na mga barangay health workers at MDRRMO personnel ang nabakunahan ng SINOVAC.

Matapos ang pagbabakuna sa susunod na mga araw, isusunod ang mga senior citizens base sa prayoridad na inilahad ng Department of Health.

Base sa tala ng Provincial Health Office, umabot na sa 1, 436 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Aklan. Sa bilang na ito, 144 ang aktibong kaso, 36 ang namatay at ang iba ay nakarekober na.  -- BAP, GMA News