Nasagip ng mga awtoridad ang apat na babae mula sa isang sex den sa Marcos, Ilocos Norte.
Iniulat ng "Unang balita" nitong Biyernes na matagal na umanong nag-o-operate ang naturang sex den.
Pahayag ng mga taga-National Bureau of Investigation, na-rescue ang apat na babae at nahuli ang hinihinalang bugaw, na nagtangka pa umanong tumakas.
Isasailalim sa counselling ng Department Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasagip, habang inihahanda ang kaso laban sa suspek na hindi pa nagbigay ng pahayag.
—LBG, GMA News