BORACAY ISLAND, Aklan —Hindi muna umano kikilalanin ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Malay, Aklan ang negatibong saliva test result  sa mga turistang papasok ng Boracay.

Batay sa text message ni Malay acting mayor Floribar Bautista, hihintayin pa umano nilang magpalabas ng executive order si Governor Florencio Miraflores bago nila ipatupad ang ordinansa.

Matatandaang inanunsyo ni Miraflores sa isang press conference na inaprubahan na ng Boracay Island Inter Agency Task Force (BIATF) ang pagamit ng negatibong RT PCR test bilang requirement sa mga turistang papasok ng Boracay.

Puwede daw isagawa ng Philippine Red Cross ang saliva testing pati na rin ang private clinics na aprubado ng Department of Health at ng Food and Drugs Administration.

Ayon naman sa kampo ni Miraflores, susubukan nilang i-draft ang kppya ng executive order sa lalong madaling panahon. —LBG, GMA News