Ikinatutuwa ng mga residente ang pagkakaroon muli ng maraming isda sa Iloilo river dahil napagkukunan na nila ito ng pang-ulam.

Gayunman, tanging "sport's fishing" o pamimingwit lang ang pinapayagan na paraan ng paghuli sa mga isda at ipinagbabawal ang paggamit ng net.

Sa nakalipas na mga buwan, nagpakawala ng city agriculturist mga iba't ibang uri ng juvenile fish sa ilog para mapasigla muli ito.

Panoorin ang buong ulat ng GMA Regional TV "One Western Visayas."


--FRJ, GMA News